ASYA : Tingnan Mo Ang Ganda Ko!
Aralin: Katangiang Pisikal ng Asya
Ang
Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Nasasakop nito mula 10o hanggang 90 o Hilagang latitude at
mula sa 11 o hanggang 175
o Silangang longitude. Pinakamalaki ang Asya kung ihahambing sa ibang mga
kontinente sa daigdig. Sa kabuuang sukat nitong humigit kumulang na 44,486,104
kilometro kuwadrado, halos katumbas ng pinagsama-samang lupain ng North
America, South America, at Australia, at halos ¼ lamang nito ang Europe.
Tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang lupa ng daigdig ang kabuuang
sukat ng Asya.
Nahahati sa limang rehiyon ang
Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog- Silangan at Silangang Asya. Heograpikal
at kultural sa sona ang mga rehiyong ito sapagkat isinaalang-alang sa
paghahating ito ang pisikal, historical, at kultural sa aspekto.
The Geography of Asia.
Ang
pagkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas ay kakaniyahan sa Asya.
Ito ay biniyayaan ng at nagtataglay ng iba-ibang anyong lupa at anyong tubig na
lubos na nakaapekto sa takbo ng
pamumuhay ng mga Asyano. Ilan sa mga natatangi dito ay Mt.Everest na kilala
bilang pinakamataas na bundok sa mundo, Tibetan Plateau na pinakamataas na
talampas sa mundo, ang Indonesia bilang pinakamalaking archipelago sa mindo, Caspian
Sea bilang pinakamalaking lawa sa mundo, ang Lake Baikal bilang pinamalalim na
lawa sa mundo at marami pang iba.
Bukod
sa pinakapangunahing panirahan ng tao , ang biyayang hatid ng mga anyong lupa
sa tao ay nakapgdudulot ng malaking impluwensiya sa kanilang kultura at
pamumuhay. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan o depensa ng
isang lugar, at proteksiyon o harang sa malalakas na bagyo at sigwa. Ang ilan
sa mga disyerto at baybay-gilid at kabundukan ay nagtataglay ng samu’t saring
yamang mineral – mga metal, di-metal , at gas. Sa mga bundok at gubat ay
nakukuha ang mga bungang-kahoy, mga herbal na gamut, at mga hilaw na
materyales.
Gaya
ng ginawang paglinang ng mga taong nagpasimula ng mga sinaunang kabihasnan, ang
mga lawa at ilog ay ang siyang pinagkukuhanan ng tubig bilang inumin at
ginagamit sa pang-araw-araw na gawain. Ito rin ang pinagmulan ng sistema ng
irigasyon sa mga palayan at pananinam, daanan ng mga transportasyong pantubig,
at pinagkukuhanan ng mga pagkain at mga palamuti.
Sa Asya
rin matatagpuan ang iba’t ibang vegetation o uri/dami ng halaman sa isang lugar
tulad ng pagkakaroon ng kagubatan o damuhan na epekto ng klima nito. Ilan sa
mga ito ay ang steppe, prairie, savanna, tundra at taiga. Sa iba’t ibang bahgi
rin ng Asya mararanasan ang iba’t ibang uri ng klima na angkop sa iyong
kagustuhan at pangangailangan.
Matatagpuan
rin dito ang iba’t ibang likas na yaman na pangunahing dahilan kung bakit
maraming mga bansa ang nagnanais na makarating sa mga bansa sa Asya upang
makipagkalakalan at manakop ng mga lupain dito. Gayundin ang mga magagandang
tanawin na sa Asya lamang matatagpuan.
Sa kabila ng mga katangiang ito,
ang Asya ay isa rin sa mga nakararanas ng mga pagbabagong nagaganap sa ating
kapaligiran na malaking hamon sa mga naninirahan dito maging ito ay tao man o
hayop. Paanong tinutugunan ng mga Asyano ang mga oportunidad at ang mga banta o
panganib kaugnay ng mga pagbabagong nagaganap sa ating kalikasan?