Lunes, Disyembre 5, 2016

ASYA: Tingnan Mo Ang Ganda Ko!



     ASYA : Tingnan Mo Ang Ganda Ko!

Aralin: Katangiang Pisikal ng Asya

  Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Nasasakop nito mula 10o  hanggang 90 o Hilagang latitude at mula sa 11 o  hanggang 175 o Silangang longitude. Pinakamalaki ang Asya kung ihahambing sa ibang mga kontinente sa daigdig. Sa kabuuang sukat nitong humigit kumulang na 44,486,104 kilometro kuwadrado, halos katumbas ng pinagsama-samang lupain ng North America, South America, at Australia, at halos ¼ lamang nito ang Europe. Tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang lupa ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya.


 
Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog- Silangan at Silangang Asya. Heograpikal at kultural sa sona ang mga rehiyong ito sapagkat isinaalang-alang sa paghahating ito ang pisikal, historical, at kultural sa aspekto.
The  Geography of Asia.


            
 Ang pagkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas ay kakaniyahan sa Asya. Ito ay biniyayaan ng at nagtataglay ng iba-ibang anyong lupa at anyong tubig na lubos na nakaapekto  sa takbo ng pamumuhay ng mga Asyano. Ilan sa mga natatangi dito ay Mt.Everest na kilala bilang pinakamataas na bundok sa mundo, Tibetan Plateau na pinakamataas na talampas sa mundo, ang Indonesia bilang pinakamalaking archipelago sa mindo, Caspian Sea bilang pinakamalaking lawa sa mundo, ang Lake Baikal bilang pinamalalim na lawa sa mundo at marami pang iba.

                                                                          


     Bukod sa pinakapangunahing panirahan ng tao , ang biyayang hatid ng mga anyong lupa sa tao ay nakapgdudulot ng malaking impluwensiya sa kanilang kultura at pamumuhay. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan o depensa ng isang lugar, at proteksiyon o harang sa malalakas na bagyo at sigwa. Ang ilan sa mga disyerto at baybay-gilid at kabundukan ay nagtataglay ng samu’t saring yamang mineral – mga metal, di-metal , at gas. Sa mga bundok at gubat ay nakukuha ang mga bungang-kahoy, mga herbal na gamut, at mga hilaw na materyales.
  Gaya ng ginawang paglinang ng mga taong nagpasimula ng mga sinaunang kabihasnan, ang mga lawa at ilog ay ang siyang pinagkukuhanan ng tubig bilang inumin at ginagamit sa pang-araw-araw na gawain. Ito rin ang pinagmulan ng sistema ng irigasyon sa mga palayan at pananinam, daanan ng mga transportasyong pantubig, at pinagkukuhanan ng mga pagkain at mga palamuti.
  Sa Asya rin matatagpuan ang iba’t ibang vegetation o uri/dami ng halaman sa isang lugar tulad ng pagkakaroon ng kagubatan o damuhan na epekto ng klima nito. Ilan sa mga ito ay ang steppe, prairie, savanna, tundra at taiga. Sa iba’t ibang bahgi rin ng Asya mararanasan ang iba’t ibang uri ng klima na angkop sa iyong kagustuhan at pangangailangan.

    
  Matatagpuan rin dito ang iba’t ibang likas na yaman na pangunahing dahilan kung bakit maraming mga bansa ang nagnanais na makarating sa mga bansa sa Asya upang makipagkalakalan at manakop ng mga lupain dito. Gayundin ang mga magagandang tanawin na sa Asya lamang matatagpuan.



Sa kabila ng mga katangiang ito, ang Asya ay isa rin sa mga nakararanas ng mga pagbabagong nagaganap sa ating kapaligiran na malaking hamon sa mga naninirahan dito maging ito ay tao man o hayop. Paanong tinutugunan ng mga Asyano ang mga oportunidad at ang mga banta o panganib kaugnay ng mga pagbabagong nagaganap sa ating kalikasan?